Monday, October 02, 2006

Ang HAMON kay Eli Soriano ng isang AUDIO/VIDEO ANALYST

http://www.filelodge.com/files/hdd5/93805/muslim/JoseMariGonzales.jpgFormer Cong. Jose Mari Gonzales: (Audio/Video Analyst) "Sa voice printing 'yung basic harmonic lang ng boses ang kukunin eh, o ngayon, ipi-print natin 'yon tapos ipi-print natin iyong boses 'nya...ay ima-match natin, 'yon ang sistema 'dyan. Iyon ang ginagawa...iyon ang trabaho ng voice printer, ina-analyze lang iyong boses, imina-match ngayon 'yon. O 'yun 'yung ginagamit ng US Embassy kapag may tumawag kay Ambasador dadaan muna sa kanila, ibo-voice print nila, ima-match nila kung siya 'yon talaga. Sinabi ko si ganito ako eh pangalawang beses na akong tumawag kay Ambasador, 'yung una tineyp na nila ako, 'yung pangalawa ima-match nila ngayon...iko-confirm kung ikaw 'yon. Pero ang boses mismo hindi mapapalitan iyong basic harmonic ng boses. Pwede kong pabagalan, pwede kong palakihin, paliitin o paano...pero iyong character ng boses hindi mo pwedeng ibahin 'yung basic harmonic 'nya, 'yon parin. Maski na ako magsalita, magboses babae ako ngayon, pag-dinaan sa voice printer boses ko parin 'yon. Kasi ang hinuhuli ng voice printer hindi 'yung boses na nadidinig natin kundi 'yung harmonics ng boses sa ibaba, 'yun 'yon! Maski na ibahin ko boses ko mag-tunog babae ako, ako parin 'yon sasabihin ng voice printer, maski na mag-ala papay ako 'yun paring basic harmonic na 'yon. 'Yung voice print 'yung basic harmonic ang kinukuha hindi naman 'yung natural na boses eh, parang finger print 'yan eh" (audio/video)

"Ngayon, kung sinasabi ni Eli na 'yang recording na 'yan eh peke, o di'...wala tayong problema, magkita tayo sa NBI kung peke para ma-prove na natin na peke 'yan!...Eh ima-match natin 'yung boses 'nya 'don...sa pekeng sinasabi 'nya. Ngayon, kung totoo 'sya, tama siya, aba eh pwede 'nyang ipag-sigawan ngayon na...dinoktor talaga 'yung tape 'nya na hindi siya 'yon. Ngayon, pag-nag-match naman 'yon aba'y aminin 'nya...humingi siya ng ano...ng public apology sa mga Muslim. ...So...i'ts up to him! Hinahamon ko siya, magkita kami sa NBI at ah mag-voice print, para malaman na ang totoo...once and for all, kung dini-deny 'nya na (di') siya 'yon, hinahamon ko siya na magkita kami sa NBI, 'yon lang naman! Para matigil na itong diskusyunan na ito, at para malaman na, para malaman ng buong mundo kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at sino ang nagsasabi ng kasinungalingan, di' ba? O di' tapos na ang usapan" (audio/video)

Eliseo "Eli" Soriano: (puno ng 'Ang Dating Daan') Heto pa isa palang bawal nakalimutan ko, 'yung mga pagkain Muslim na halal? Alam 'nyo 'yung halal pagnag-patay sila ng baboy, inoo...ay ng baka ng manok, ino-offer nila sa kanilang Dios na si Allah. Eh iyong Allah iba 'yon kaysa sa Dios ng Biblia. Kaya titignan 'nyo 'yung mga karnenorteng binibili 'nyo pag me' halal naku, delikado 'yan mga kapatid. Inoper ng Muslim 'yan sa kanilang Dios pag me' halal. 'Yung karnenorte at saka 'yung manok na me' halal 'wag 'nyong kakainin, inoper nila 'yan sa kanilang Dios, hindi naman 'yung Dios nila ang Dios ng Biblia...tandaan 'nyo po 'yan ho..."

Eliseo "Eli" Soriano: (puno ng Ang Dating Daan) "Ma-encounter mo Muslim pipintasan ang Biblia, mali daw Biblia, eh sabi ko kung di' naman sira ulo mo, mali pala Biblia eh ba't 'dyan 'nyo kinukuha 'yung karapatan ni Muhamad? Ang tinutukoy daw sa hula sa Deut. 18: 18-19 si Muhamad daw 'yon tapos sisiraan mo Biblia 'dyan ka kumukuha ng batayan kay Muhamad eh sira ka narin pati si Muhamad Sira!..."

Former Cong. Jose Mari Gonzales: (Audio/Video Analyst) 'Iyan ha...hindi 'nya puwedeng ipagkaila 'yan, boses 'nya 'yan eh! Eh ima-match ko 'yan sa boses 'nya sa...voice printer eh... (audio/video)

"Ah Mr. Eli Soriano, ah...hinahamon ko kayo na magkita tayo sa NBI. Alam mo ah...hindi mo pwedeng ipagkaila itong mga ebidensyang ito eh! Malinaw na malinaw na mga boses mo ito at 'tsaka mga video mo at 'tsaka walang ano 'yan...walang putol eh, tuhog ang kuha eh! Alam mo...ah...ako'y isa sa mga iilan na video expert dito sa Pilipinas. At ah...ako nga ang naging ah expert witness sa Aquino-Galman case eh. Sa totoo lang itong video mo natuhog eh ito pati sa supreme court gagamitin na, sasabihin sayo na ito ay tunay! Na ito ay hindi fake! Kasi walang mga editing ito eh...tuloy-tuloy ito. I'm an expert when it comes to this. Pinag-aralan ko ito, I study this "____" sa Paris. I study my security in Paris. At ah dati kong hanap-buhay ito eh, nagbebenta ako ng security camera...kung ano-ano at nag-a-analyze ako ng mga tape at 'tsaka audio, trabaho ko 'to eh. Kaya...ah...magkita nalang tayo sa NBI." (audio/video)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home