"hindi kami mangmang" - Abdullah Pinuliar (Muslim)
Abdullah Pinuliar: (Muslim) Ako po si Abdullah Pinuliar. Kami po'y mga Muslim ay nakapanood na sa programa ng Iglesia ni Cristo sa Ang Tamang Daan (ATD) at napanood po namin doon ay ang tungkol sa pagmumura ni bro. Soriano sa aming propeta. Ito'y nakasama sa aming kalooban ano. Kami pumunta 'dyan sa mga Coordinating Center doon sa kanyang ah...pasalamatan diyan sa Pampanga. Sinubukan po naming magpunta hindi dahil sa inutusan kami ng Iglesia Ni Cristo (INC) kundi dahil gusto naming malaman kung ano talaga ang kanyang sama ng loob sa aming mga Muslim at pati kami ay kanyang minumura. Sinasabing mga demonyo, mga walanghiy. Sa demonyo ang aming religion...hindi ganon. Ang aming religion ay kapayapaan. Sinubukan naming magpunta, kami nga'y nagpunta doon sa isang coordinating center sa Zaragosa. O 'yung kapatid 'dyan sa Zaragosa, nakilala mo siguro ako dahil ako'y nagpunta talaga sayo. Baka i-deny 'nyo na naman, mahilig kayo sa denying, mahilig kayo 'dyan eh. Baka i-deny mo na hindi ako nagpunta at inutusan kami at kami ay mga tiktik na sinasabi 'nyo ano? Hindi! Kami'y mga tunay na Muslim. 'Nung magpunta kami 'dyan alam mo brother, inaabot namin 'yung kamay namin para makipag-kamay tanda ng aming kapayapaan, ba't ba 'yung kamay 'nyo eh hindi 'nyo inaabot? Hindi naman marumi ang kamay namin? Malinis 'yan, ano po? At iba 'yung pag-trato 'nyo sa amin at sabi 'nyo nga ganito 'nung kausapin ko 'yung isa 'don na...namumuno sa inyo sa coordinating center, nakalimutan ko lang iyong pangalan mo brother ano? Ay...ang Iglesia ni Cristo daw ang may gawa 'non at ang boses ni Soriano ay ginawa ng Iglesia ni Cristo, chinap-chop ng Iglesia Ni Cristo 'yung kanyang mga sinabi at ah...minangle, ano daw iyong mga sinasabi na 'yon. At ang sabi 'nyo ang harapin naming mga Muslim ang Iglesia Ni Cristo, sila raw ang may gawa 'non, gawa-gawa lang nila 'yon para magalit kaming mga Muslim...parang ginagawa mo naman kaming mangmang talaga eh, hindi kami mangmang dahil napapanood namin at tao kaming binigyan kami ng talino para malaman namin kung ano 'yung tama at mali...http://www.geocities.com/ang_akwengdaan/sagot_Muslim_palusot_ni_Eli.htm



0 Comments:
Post a Comment
<< Home